Saan dapat ilaan ang Income ng Pamilya

undefined

Pera o ang monthly income ang isa sa mga dapat pag usapan at mapagkasunduan ng isang pamilya lalung lalo na ng magasawa. Sabi nga ng isang Financial expert na si Chinkee Tan, "Magiging maayos ang Budget sa Tahanan kung ito ay pinagpa-planuhan at pinag-uusapan."

Nararapat lamang na alam natin kung saan dapat inilalaan ang income ng pamilya upang maiwasan na din ang pagtatalo ng mag asawa. Anu ano nga ba ang mga pangunahing gastusin ng isang pamilya na dapat pag laanan ng tamang budget?


1. Ipon

     - Mas mainam na maglaan muna ng pera para sa savings ng Pamilya bago ang kung anu pa man. Matapos magtabi para sa ipon, ay maaari ng ilaan ang natitirang budget para sa iba pang pangangailangan ng pamilya. Ito ay isang practice na ipinapayo ng mga Financial experts.


2. Edukasyon

     - Kung may mga anak ng nag aaral, mas makabubuti na i secured na ang budget para sa kanila kabilang na ang para sa baon, school projects, libro, uniform, atbp. Mas mainam na bago pa lang mag simula ang klase ay makapag tabi na ng budget para sa pang bili ng mga gamit sa school ng mga bata.


3. Pagkain at iba pang Grocery Items

     - Ang pagkain ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilya. Nararapat lamang na ito ay mapag laanan ng budget. sa pamimili ng pagkain at iba pang grocery items hindi kailangang mamahalin o branded ang bilhin. Ngunit dapat pa ring isa alang alang ang kalidad at kaligtasan ng bibilhing produkto upang maiwasan na din ang pagkauwi sa ospitall ng bawat miyembro ng pamilya. Tandaan na mas malaki ang magagastos sa ospital kaysa sa pagiingat ng mga producktong bibilhin.


4. Utilities (Kuryente, Tubig, Renta)

     - Ang kuryente at tubig ay kinokonsiderang isa sa mga pangunahing pangangailangan sa isang tahanan. Ang mga nakunsumong kuryente at tubig ay dapat na paglaanan ng budget at bayaran on time nang sa ganun ay hindi magkaroon ng penalties at ang pagka putol ng supply. 


5. Emergency Fund

     - Inaakala ng iba na hindi dapat pinaglalaanan ng budget ang emergency. Ngunit ito ay isang gastusin ngisang pamilya na dapat bigyan ng budget ayon sa mga financial experts. Katulad ng savings, dapat ay maglaan na ng pera para dito bago pa man ang ibang bagay nang sa ganun ay hindi na mahihirapan kung sakaling magkaroon ng emergency dahil hindi mo rin masasabi kung kailan ito daarating.


Ang maayos na pag uusap ng mag asawa sa income ng pamilya ay magbibigay sa kanila ng pagkakataong makapag ipon at matupad ang kanilang mga pangarap.


undefined

Share