Saan makakabili ng murang Christmas decoration

undefined


Ramdam na ang malamig na simoy ng hangin ng kapaskuhan pero hindi pa nakakapag decorate ng bahay? Walang problema, anytime pwede mong umpisahan na 'yan. Narito ang ilan sa mga lugar na maaari mong mabilhan ng mga abot kayang Christmas decorations.


1. Dapitan Tiangge, Quezon City

     - Kilala din sa tawag na Dapitan Arcade, isa sa mga shopping destination para sa mga mura at nag gagandahang Christmas decorations gaya ng Christmas lights, miniature Christmas figurines, Santa Claus and reindeers, Christmas balls, poinsettia, Christmas tree at marami pang iba.


2. Divisoria, Manila

     - Pag pasok mo pa lang ng Taborda St. sa Divisoria ay ang mga dekorasyong pang Pasko na kaagad ang makikita mo magmula sa garlands, Christmas tree at iba't ibang palamuti. Ang maaaring budget mo sa pamimili dito ay mula P500 hanggang P3,000 lamang. may mga bilihan din sa mga malls sa Divisoria gaya ng 168 Shopping Center, Tutuban Shopping Center at Dragon 8 Mall.


3. Christmas Factory, Sampaloc, Manila

     - Ito ang dinarayong bilihan ng mga murang Christmas decoration dahil sila mismo ang manufacturer ng mga Santa Claus products, decors at ornaments na nagkakahalaga ng P100 hanggang P4,500.


4.  Everything About Santa-EAS, Marikina

     - Isa sa mga dinarayong bilihan din ng Christmas decors and lugar na ito sa Brgy. Tanong, Marikina City dahil sa mga naggagandahang disenyo ng mga Santa Claus at maging ng mga Belen. Kung tinatamad kang pumunta sa store nila, maaari kang mag padeliver at mabayaran through online banking o money remittance.


Share