Ber Months Business ideas to save money for Christmas

'Ber Months Na! 'Yan madalas ang maririnig mo sa paligid ngayon. 'Wag mag panic kung wala ka pang naiipong pera ngayon. Aside sa ito ang season of giving and sharing, magandang opportunity din itong mag simula ng patok na mga negosyo.


Narito ang ilan sa mga ideas ng business venture na maaari mo ng umpisahan.


1. Puto Bumbong o Bibingka

     - Christmas season staple Filipino delicacy na madalas makita tuwing simbang gabi o kahit sa umpisa ng 'Ber months. Siguradong bawing bawi ang pinuhunan mo sa maliit na negosyong ito, dahil isa ito sa mga patok na pagkain sa ngayong panahon ng kapaskuhan.

undefined

Photo Credit to: Yoorekka


2. Home Made Ham

     - Ang hamon ang isa sa mga pangunahing inihahain sa Media Noche o maging sa Noche Buena ng mga Pinoy. Maaari mo ng umpisahan ang pag papa pre-order nang sa ganun ay makarami ka ng customers at hindi masayang ang mga ingredients na bibilhin mo.

undefined

 

3. Sweet Treat

     - Cookies, candies, brownies, cakes, leche flan,at iba pang pastry products ang halimbawa ng mga sweet treats na maaari mong ibenta sa mga kakilala o online para makalikom ng pera para sa nalalapit na kapaskuhan na siguradong patok sa mga bata at matatanda.

undefined


4. Lechon

     - Pwedeng baboy o manok man. ito ay isang all time Filipino favorite dish sa mga handaan. Kakailanganin mo ng medyo malaking puhunan sa business na ito, dahil hindi rin biro ang presyo ng baboy at manok. Pero makakasiguro naman na mas malaki din ang kitang babalik sa iyo. Lalo na kung masarap at may reasonable price ang iyong lechon na papatok sa masa.

undefined

Photo Credit to: Yummy.ph


5. Christmas Decor

     - Dahil umpisa na ng Christmas celebration ngayon sa Pilipinas, umpisa na din ng pag dedecorate ng mga Pinoy ng mga Christmas crafts sa loob at labas ng bahay, sa mga business establishments at maging sa mga buildings. Maaari mo itong ibenta sa mga kakilala, magtayo ng pwesto ng tindahan o online selling.

undefined


6. Toy Shop

     - Sinasabing ang kapaskuhan ay para sa mga bata. Kung kaya't ang makukulay na laruan ay ang isa sa mga effective at profitable na negosyo sa season na ito.

undefined


7. Fruit Stand

     - Magandang negosyo ang pagtitinda ng prutas sa ganitong panahon. lalo na ang mga prutas na bilog gaya ng orange, grapes, pakwan, melon, at iba pa. Dahil ito ay mahalagang sangkap sa paggawa ng fruit salad na isa sa pangunahing putahe sa handaan ng mga Pinoy. Pati na rin sa mga nangangailangang mag diet.

undefined


8. Queso de Bola

     - Maari kang mag buy and sell ng quezo de bola o maari din namang sariling gawa mo. Ito ay isa sa mga paborito ng mga Pinoy na kasama palagi sa mga handaan. Ang iba ay ginagawa din itong pang regalo sa mga kamag anak o kaibigan.

undefined

Photo Credit to: Pepper.ph


9. Home Made Processed Meat

     - Sa sobrang dami ng tao sa wet markets, supermarkets o groceries, minsan ang hinahanap na lang ng mga mamimili ay ang mga home made na binibenta ng kakilala. Dahil mas nakasisiguro silang masarap at malinis ang pagkakagawa nito.

undefined



Sa pag pasok sa isang negosyo, maliit man o malaki, laging tandaan na alamin kung ano ang iyong passion at interes. Dahil ito ay ang susi upang mapalago mo ang iyong negosyo.


undefined

Share