Iba't Ibang klase ng Loan sa Pilipinas

undefined


Ang pag utang ay sinsabing part ng adulting at minsan ay hindi maiwasan. Ano nga ba ang utang at bakit ito nagiging parte na ng buhay ng karamihan sa atin?

Utang. Ito ay ang paghiram ng kahit na anong bagay lalung lalo na ng pera sa ahensya ng gobyerno, bangko, mga financial institutions at maging sa isang kakilalang tao, na kailangang maibalik sa itinakdang oras.

Mahalagang maibalik sa itinakdang oras ang hiniram na halaga nang sa ganun ay mabuo ang tiwala sa pagitan n'yo ng lenders at maaaring ma ulit ang iyong paghiram.

Alamin ang mga iba't ibang klase ng utang dito sa Pilipinas.


1. Personal Loan

     - Ito ang klase ng loan na may interes at maaari mong magamit sa kahit na anong bagay. layunin o anu pa mang personal expenses gaya ng travel fund, tuition fee,online retail business, pang bili ng gamit sa bahay at iba pa.


2. Housing Loan

     - Uri ng long -term loan para sa mga nais pumundar ng bahay para sa future.Maaaring mag apply ng ganitong loan sa Gobyerno, bangko o mga financial institutions. Depende ang pagbabayad sa mga Housing Loan sa terms of payment na inavail mo na maaaring umabot mula 5 hanggang 30 na taon.


3. Cash Advance Loan

     -  Ito ay kadalasang applicable sa mga empleyado ng isang kumpanya na nais na mag pauna ng Cash na ikakaltas sa sahod nila sa maigsing term lamang.


4. Car Loan

     - Ang pag aapply ng car loan ay isang mahabang proseso, dahil din sa mga requirements na kailangan at sa pag check ng iyong credentials. Ang car loan din ay isang long term na klase ng loan na maaaring umabot sa 3 hanggang 5 taon.


5. Salary Loan

     - Ito ay ang uri ng loan na layuning matugunan ang panandaliang financial needs ng isang aplikante. Isa ang MeLoan sa mga nag ooffer ng ganitong serbisyo. Sa maliit na interes, ay makakatulong na sa iyong financial struggles.


6. OFW Loan

     - Bilang ang mga OFW ay ang tinaguriang Modern Day Heroes, may mga financial institutions na nag ooffer ng ganitong serbisyo lalo na kung ikaw ay nag ta trabaho sa abroad ng 2 taon na may monthly income na humigit kumulang na P30,000 pataas na siguradong may malaking maitutulong sa financial needs ng iyong mahal sa buhay na nandito sa Pilipinas.



Isang paalala lamang na, wag umutang kung hindi rin talaga kailangan at kung alam na hindi makakayang mabayaran. Mas makabubuting mag research muna sa terms ng payment, interest, penalties o ang terms and conditions ng kahit na anong financial institutions upang maiwasan ang hindi magandang records.


undefined

Share