Iba’t ibang Sakit na Maaring makuha ngayong Tag Ulan

Sa panahon ng tag ulan, madaming klase ng sakit ang maaari mong makuha. Kadalasan na ang mga sakit na ito ay madali lang maipapasa dahil ito ay mga water-borne diseases. Para sa dagdag kaalaman, narito ang iba't ibang mga sakit na maaaring makuha at lumala kung hindi maaagapan.


1. Dengue Fever

     - Nagmula sa kagat ng lamok na  aedess egypti o aedes albopictus. Ang sakit na ito ay hindi dapat baliwalain at dapat na mabigyan kaagad ng lunas dahil sa ito ay maaaring humantong sa kamatayan.

     Mga Sintomas:

     • Mataas at pabalik balik na lagnat

     • Mapupulang Rashes sa mga parte ng katawan

     • Pagdurugo ng gilagid o ilong

     • Ibang kulay ng dumi


2. Leptospirosis

     - Ito ay isa sa mga sakit na maaring makuha mo sa paglusong mo sa baha na may ihi ng daga na maaaring pumasok sa iyong katawan lalo na kung may open wounds ka.

     Mga Sintomas:

     • Mataas na lagnat

     • Matinding pananakit ng ulo

     • Pananakit ng kalamnan at tiyan

     • Pagtatae

     • Pagakakaroon ng Pantal

     •  Pamumula ng mata


3. Typhoid Fever

     - Isa ito sa mga kinatatakutang sakit tuwing tag ulan dahil ito ay nakakahawa at higit pa dun ay maaaring ikamatay ng taong dadapuan ng sakit na ito.

     Mga Sintomas:

     • Matagal na Lagnat

     • Sobrang pananakit ng Tiyan

     • Masakit ang ulo


4. Diarrhea

     - Ang sakit na ito ay isang water-borne disease na nakukuha sa maduuming pagkain o pag inom ng maruming tubig. Maaaring ma dehydrate ang taong tatamaan nito dahil sa sunod sunod na pagdumi at pag suka. Kaya't nararapat na maagapan ang ganitong uri ng sakit.

     Mga Sintomas:

     • Pagtatae

     • Pagsusuka

     • Panghihina


5. Cholera

     - Ang sakit na ito ay isa sa mga deadly disease na maaaring dumapo sa kahit na sino lalo na ngayong panahon ng tag ulan. Dahil ito sa pagkain o pag inom ng mga contaminated foods.

     Mga Sintomas:

     • Matubig na dumi

     • Pagsusuka

     • Muscle cramps

     • Dehydration



Mahirap magkasakit. Mahalagang pangalagaan ang kalusugan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga iba't ibang sakit at humantong pa sa mas seryosong sitwasyon. Panatilihing malinis ang paligid at kumain ng masusustansiyang pagkain.


undefined

Share